TRES MARIA'S PLUS TWO CHAPTER 24 & 25 Rill Hart
 
TRES MARIA'S PLUS TWO


CHAPTER 24.

LABIS ang paghihinagpis ng Haring Pogi sa pagkamatay ng kanyang paboritong alaga, `yong mahaba, yong makamandag, `yong bumubuga ng apoy--si Burnok. Yakap-yakap niya ngayon ang larawan nito. Bata pa ito sa larawang yakap niya ngayon.

Kanina pa sa pagsalok si Phrincezz, with an H sa kanyang luha.

Pagkuwa'y tumayo ang Haring Pogi. Pinalis ang luhang papabagsak. "Patayin n'yo na ngayon din ang limang KPop. Wala kayong ititira sa kanila. Nais kong makita ang mga ulo nila dito sa harap ko ngayon!"

Tumalima ang mayordoma. Pinuntahan ang mga sundalong nagpapahinga. Inutusan niya itong magsikilos at bumuo ng isang hukbo para sa pagdakip ng limang KPop. Masakit man sa kanyang dibdib--na isa siya sa dahilan paa mabura sa mundo ang limang KPop--ay hindi niya magawang sawayin ang utos ng Haring Pogi. Trabaho lang, kumbaga, walang personalan.

Mabilis na nadakip ng mga sundalo ang mga KPop. Nakatali mga kamay ng mga ito ngayon sa harap sa Haring Pogi. Nag-iiyakan. Nakita ng Haring Pogi na nakaumbok ang tiyan ng dalawa--si Alwina at Haring Pogi.

Last updated  2017/06/06 21:13:42 PDTHits  42